Jul 4, 2014

3 Secret Recipes For A Successful Network Marketing Business (S.T.D.)

Kahapon sa Starbucks, may lamesa sa harapan ko na may 4 na taong nakaupo. Dalawang babae at dalawang lalaki. Yung isang lalaki may hawak na ballpen at nagsusulat sa papel habang nagsasalita. Yung tatlo ay nakikinig lang…

Aha! Latagan session pala ito! (Table talk business presentation).

Napakinggan ko halos ng buo yung presentation n'ya, medyo mahaba. Magaling mag-present yung networker, pero pakiramdam ko ako yung napagod sa bilis n'yang magsalita.

Habang nagpe-present s'ya, ang isang common na linya ng mga networker na narinig kong sinabi n'ya ay yung parang ganito…

"'Di po ba sabi ni Manny Villar ang kaylangan lang daw para umasenso sa buhay ay sipag at tiyaga, Tama po ba?"

"Oo tama"... sagot nung mga prospects.

"Eh bat yung mga magsasaka, masisipag at matiyaga naman bakit mahirap pa rin?"

"Eh bat yung mga driver, masisipag at matiyaga naman bakit mahirap pa rin?"

"Eh bat yung mga karpintero, masisipag at matiyaga naman bakit mahirap pa rin?"

Para umasenso… Kaylangan may S.T.D ka! (Natawa yung mga kausap n'ya)

"Sipag, Tiyaga at DISKARTE… kayo naman oh!"… Sabi nung networker


Kaylangan pala ay may S.T.D. ako (Woohoo buti na lag meron!). :-D


Pagtapos ng mahaba-haba n'yang presentation… (siguro inabot din ng isang oras, naubos na nga yung cafe mocha venti ko) biglang bumanat yung networker at sinabi n'ya dun sa mga kausap n'ya 'tong linyang 'to...

"Sa ganitong negosyo hindi mo naman kaylangan ng skills para yumaman, kaylangan lang masipag ka!"

Huh?!?

Ano daw?!

Napakamot ako at medyo na-confuse.

Kaya ang ginawa ko, tumayo ako para magsalita, ganito yung sinabi ko…

"Akala ko ba kaylangan ng S.T.D. para umasenso?"

Asaan na yung DISKARTE??? Bakit biglang kaylangan masipag na lang?

Teka teka teka… Parang bigla mo yatang kinontra lahat ng mga naunang sinabi mo ah, kanina pa kasi ko nakikinig dito eh?

Sabi mo kanina DISKARTE ang kulang ng mga taong masisipag at may tiyaga kaya hindi sila umaasenso?

Pero JOKE lang hindi ako tumayo, yun lang yung mga pumasok sa isip ko nung narinig kong sinabi n'ya yun. :-D

Kung iisipin mo ng mabuti, ang DISKARTENG kaylangan natin sa'ting business para maging successful, ay yung mga SKILLS na matututunan mo.

Sa business natin... hindi ka magiging successful hangga't hindi ka nakakapag acquire ng mga tamang skills na kaylangan mo, o hangga't wala kang tamang diskarte. Hindi pwedeng masipag ka lang!

Lahat ng mga network marketers na may resulta sa kanilang business ay may iba't ibang skills na kayang ipamalas kaya sila naging successful.

    Yung iba magaling magsalita sa harap ng maraming tao.

    Yung iba magaling mag-inspire at mag-motivate.

    Yung iba malupit mag-market sa internet.

    Yung iba magaling na leader at may leadership qualities.

    Yung iba naman magaling mag-close sa one on one.


I think yung sinabi n'ya nung huli ("Sa ganitong negosyo hindi mo naman kaylangan ng skills para yumaman, kaylangan lang masipag ka!") ay napaka confusing at deceiving and not going to serve his prospects...In my opinion, dapat lang na hindi natin sabihin yung ganitong klase ng mensahe.

Dapat sa una pa lang ipaalam na natin sa'ting mga prospects na sa negosyong papasukin nila, kaylangan nilang maglaan ng oras at panahon para aralin yung mga diskarteng kaylangan nila para maging successful sa business nila. 

Anyway, ang gusto ko lang namang mensaheng sabihin sa'yo sa blogpost na ito ay ito…

Kung gusto mong maging successful sa business na ginagawa mo ngayon…

Kaylangan mong magaral ng mga Tamang DISKARTE!

Kaylangan mo ng mga tamang SKILLS.

Ngayon tatanungin kita (At sagutin mo ha)… May S.T.D. ka rin ba (Sipag, Tiyaga at Diskarte)? :-)

Kung gusto mong matutunan yung 3 pinaka importanteng skills na kaylangan mo para magkaresulta at magkaron ng success dyan sa network marketing business mo, Go ahead and CLICK THIS.

Kung nagustuhan mo at kung may natutunan ka sa blogpost na 'to, Click LIKE and mag-type ka ng comment mo sa ibaba. Let me know kung sangayon ka ba dio sa mga nabasa mo or hindi. Gusto kong malaman yung opinyon mo.


Subscribe to Biztalk and Jobs via Email
Become a fan Biztalk and Jobs in Facebook
Follow me on Twitter
Blog Links:
Health and Wellness
The Leader
ACTRESS @ CELEBRITIES PHOTOS
Young and Adult Sexual Reprouctive Health
Organic Farming

No comments:

Post a Comment

Subscribe to Biztalk and Jobs via Email

Become a fan Biztalk and Jobs in Facebook

Follow me on Twitter

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... http://www.sharethis.com/get-sharing-tools/ https://www.philippinepcsolotto.com/lotto-results/lotto-result-december-20-2019-6-58-and-6-45