Nagpalabas ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng mga panuntunan sa pag-apruba ng permit to rally para sa nalalapit na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
Sa naturang panuntunan, inatasan ni DILG Secretary Mel Senen Sarmiento ang lahat ng mga alkalde at sinumang acting officials sa Metro Manila na pag-aralang mabuti ang isasagawang programa ng mga magra-rally bago aprubahan ang aplikasyon para sa permit to rally sa panahon ng APEC summit.
Paalala ng kalihim, hindi dapat aprubahan ang aplikasyon kung walang malinaw na pagdarausan ng pagtitipon dahil posibleng magdulot ito ng kaguluhan at makakuha ng atensyon ng mga lider ng iba't ibang bansang inaasahang dadalo sa pagpupulong.
Sakali namang gagawin ang protesta sa freedom park o mga private property, hindi na kailangan ng permit, ngunit dapat may pahintulot o alam ng may-ari ng lugar.
Kailangan ding magpaalam sa namamahala ng eskwelehan, mapa-pribado man o pampubliko, kung dito idaraos ang rally.
Giit pa ni Sarmiento, mahigpit nilang ipatutupad ang no permit, no rally policy at pinaaalalahanan ang mga pulis na laging pairalin ang maximum tolerance
Panuntunan sa pag-isyu ng permit to rally para sa APEC, inilabas ng DILG | DZMM - ABS-CBN
Subscribe to Biztalk and Jobs via Email
Become a fan Biztalk and Jobs in Facebook
Follow me on Twitter
Blog Links:
Health and Wellness
The Leader
ACTRESS @ CELEBRITIES PHOTOS
Young and Adult Sexual Reprouctive Health
Organic Farming
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
LinkWithin
Labels
- BSN & DIETETICS (2)
- business ideas (9)
- canada (28)
- FAMILY (6)
- Foreclosed Properties (6)
- job (27)
- LABOR UNION (33)
- Men (1)
- Politics (25)
- Skills and Training (2)
- Sports (3)
- Women (3)
No comments:
Post a Comment
Subscribe to Biztalk and Jobs via Email
Become a fan Biztalk and Jobs in Facebook
Follow me on Twitter