Nov 15, 2016

UTANG RULES


napakadaling mangutang pero napakahirap magbayad
Naranasan mo na bang mangutang, pero hindi mo natupad ang pangako mong magbabayad ka?
Walang masama sa paghiram. Ang masama, ‘yung hindi natin papahalagahan ang responsibilidad natin.
The following “utang rules” will allow us to understand how important it is to be true to our word:
HUWAG MANGAKO KUNG ITO’Y MAPAPAKO.
“Sa katapusan, magbabayad ako. Promise.”
“Oo, sigurado na ‘yun. Full payment.”
“Ibibigay ko sa iyo bukas pagkakuha ng sahod ko.”
Pagdating ng takdang araw:
  • “Naku, sorry. Next time na lang!”
  • “Ito lang ang maibibigay ko ngayon ah, pasensya na.”
Ito ang mga examples ng pangakong napapako or in other words, hindi natutupad – pwedeng nakalimutan, kinalimutan, o gusto lang makalusot.
Kahit ano pa man iyan, the thing is, kapag sinabi nating magbabayad tayo, dapat magbayad tayo. Ang mga nagpautang ay nagmagandang-loob sa atin, kaya dapat suklian natin ito ng isang salita.
MARUNONG MAGPAKUMBABA.
“Magpapautang siya, tapos mamadaliin niya ako ngayon?”
“Kung maningil siya, akala mo naman milyones ‘yung pinahiram!”
Mabait kapag nangutang…
Galit kapag siningil…
Hindi porke’t sinisingil na tayo at natiyempuhang wala pa tayong pambayad, it doesn’t give us the right para siraan natin sila. It’s our responsibility na bayaran sila in the first place.
Kung wala pa, talk to them personally and tell them about your situation nang sa gayon, maipaunawa natin sa kanila at hindi na umabot pa sa siraan.
MANGUTANG LANG KAPAG KAILANGAN.
Mangungutang lang kasi:
  • May nakitang bag.
  • Gustong mag-travel.
  • Walang pera pang-gimik.
…these are not valid reasons to borrow money because we can just categorize them as WANTS at hindi needs. Meaning, we can say no to these dahil hindi naman importante ang mga para ipangutang pa.
If this is the case, then sa tuwing may wants tayo, utang lagi ang magiging solusyon natin. Ang resulta? Mabababaon lang tayo sa utang.
So, make sure that your reasons are valid.
Hangga’t kaya mo itong pag-ipunan, pag-ipunan mo para hindi mo na kailangang mangutang pa.
THINK. REFLECT. APPLY.
May rules ka bang sinusunod sa tuwing ikaw ay mangungutang?
O may rules ka ba sa mga nangungutang sa iyo?
Ano sa tingin mo ang pwede mong baguhin para hindi ka sumuway sa rules na nabanggit?


Source: chink+



Subscribe to Biztalk and Jobs via Email
Become a fan Biztalk and Jobs in Facebook
Follow me on Twitter
Blog Links:
Health and Wellness
The Leader
ACTRESS @ CELEBRITIES PHOTOS
Young and Adult Sexual Reprouctive Health
Organic Farmng

No comments:

Post a Comment

Subscribe to Biztalk and Jobs via Email

Become a fan Biztalk and Jobs in Facebook

Follow me on Twitter

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... http://www.sharethis.com/get-sharing-tools/ https://www.philippinepcsolotto.com/lotto-results/lotto-result-december-20-2019-6-58-and-6-45