Jun 17, 2010

Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Matthew 6:7-15.

7Ngunit kapag ikaw ay mananalangin, huwag mong gamitin ang mga walang kabuluhang paulit-ulit na mga panalangin gaya ng ginagawa ng mga Gentil. Ito ay sapagkat nananalangin sila nang paulit-ulit dahil sa kanilang palagay ay diringgin sila sa dami ng kanilang salita. 8Huwag ninyo silang tularan sapagkat alam na ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan bago pa man kayo humingi sa kaniya.
9Manalangin kayo sa ganitong paraan:
Ama namin na nasa langit, pakabanalin ang pangalan mo.
10Dumating nawa ang paghahari mo. Mangyari nawa ang
kalooban mo dito sa lupa gaya ng sa langit. 11Ibigay mo
sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.
12Patawarin mo kami sa aming pagkakautang, gaya
naman ng pagpapatawad namin sa mga nagkakautang
sa amin. 13Huwag mo kaming dalhin sa tukso, sa halip
iligtas mo kami sa masama, sapagkat iyo ang paghahari,
ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian magpakailanman.
Siya nawa.

14Ito ay sapagkat kung patawarin ninyo ang mga tao sa kanilang pagsalangsang, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. 15Ngunit kung hindi ninyo patawarin ang mga tao sa kanilang mga pagsalangsang, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama sa inyong pagsalangsang.
Holy Gospel of Jesus Christ according to Saint Matthew 6:7-15.

No comments:

Post a Comment

Subscribe to Biztalk and Jobs via Email

Become a fan Biztalk and Jobs in Facebook

Follow me on Twitter

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... http://www.sharethis.com/get-sharing-tools/ https://www.philippinepcsolotto.com/lotto-results/lotto-result-december-20-2019-6-58-and-6-45