Jul 28, 2010

Ex-Energy Sec Reyes nilaglag ng 1-Utak sa Kamara

MANILA – Napurnada ang pag-upo ni dating Energy Secretary Angelo Reyes bilang mambabatas sa Kamara de Representantes nang biglang bawiin ang kanyang nominasyon bilang first nominee ng party-list group na 1-United Transport Koalisyon (1-UTAK).

Ang pag-atras sa nominasyon ni Reyes ay isinumite ng 1-Utak nitong Biyernes, na nataon din sa araw na naglabas ng desisyon ang second division ng Commission on Elections (Comelec) na nagbabasura sa petisyon na humaharang kay Reyes na maging kinatawan ng 1-UTAK sa Kamara.

Ayon sa 1-UTAK, nagdesisyon na silang maghain ng manipestasyon sa Comelec na bawiin ang nominasyon kay Reyes dahil nagiging sagabal ang mga petisyon laban sa dating kalihim upang magkaroon ng kinatawan sa Kamara ang hanay ng jeepney drivers, operators, at maging mga pasahero.

Sa petisyon na inihain ng mga miltanteng grupo sa Comelec, iginiit nila na walang karapatan si Reyes na maging kinatawan ng mga tsuper at operator, taliwas sa itinatakda ng partylist law.

Ang pagkontra sa pag-upo ni Reyes ay hindi naiiba sa petisyon na inihain rin laban kay Juan Miguel “Mikey" Arroyo, na pinayagan ng Comelec na maging kinatawan ng security guard at tricycle driver sa party-list group na Ang Galing Pinoy.

Kahit nagpalabas ng desisyon ang second division ng Comelec pabor kay Reyes, maaari pa ring maghain ng motion for reconsideration sa Comelec en banc ang grupong humaharang sa pag-upo ng dating kalihim sa Kamara.

"The delay in the final resolution of the disqualification of (Reyes) has created anxiety among its members and supporters who are all eager to see 1-UTAK assume its seat in Congress when Congress convenes on July 26," ayon sa grupo.

Ang ikatlong nominado na si Engr. Homero Mercado ang ipapalit ng 1-UTAK kay Reyes. Ito ay matapos na magbitiw ang second nominee na si Atty. Vigor Mendoza II na nais umanong tutukan ang kanyang mga "professional commitment."

Hindi naman kaagad nakuha ang reaksiyon ni Reyes habang isinusulat ito.

Nagpapalista sa Kamara

Samantala, inihayag ni House of Representatives Secretary General Marilyn Yap, na nagtungo sa kapulungan si Reyes kamakailan para hilingin na isama na ang pangalan nito sa listahan ng mga mambabatas para maihabol sa pagbubukas ng 15th Congress at first State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III sa Lunes.

Ngunit hindi umano pinagbigyan ni Yap ang hiling ni Reyes dahil wala itong naipakitang dokumento mula sa Comelec na magpapatunay na siya na ang kinatawan sa Kamara ng 1-Utak.

“I told him that we cannot accommodate him unless he produces the documents of his proclamation from the Comelec," pahayag ni Yap. - GMANews.TV

Subscribe to Biztalk and Jobs via Email
Become a fan Biztalk and Jobs in Facebook
Follow me on Twitter

No comments:

Post a Comment

Subscribe to Biztalk and Jobs via Email

Become a fan Biztalk and Jobs in Facebook

Follow me on Twitter

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... http://www.sharethis.com/get-sharing-tools/ https://www.philippinepcsolotto.com/lotto-results/lotto-result-december-20-2019-6-58-and-6-45