Bagaman ikinatuwa ang pagmamalasakit sa mga overseas Filipino workers ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III, inihayag ng isang grupo na kailangang hintayin kung susundin ng mga ahensiya ng pamahalaan ang kanyang ibinigay na direktiba.
Sa panayam ng GMANews.TV nitong Miyerkules, sinabi ni Garry Martinez, chairperson ng Migrante International, na kailangang makita sa aksiyon ang utos ni Aquino na tugunan ang hinaing at pangangailangan ng mga OFW.
“Welcome pronouncement ‘yong kay Presidente Aquino pero kung pagbabatayan yung paghirang niya sa mga opisyal sa labor sector mukhang madilim ang naghihintay sa amin," ayon kay Martinez.
Tinukoy ni Martinez ang muling pagtatalaga ni Aquino kay Secretary Alberto Romulo sa Foreign Affairs (DFA), at Sec. Rosalinda Baldoz sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Si Baldoz ang dati ring pinuno ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
“Masama ang record sa amin ni Sec Romulo dahil sa ilalim ng kanyang pamumuno sa DFA ay anim na OFW ang napugutan ng ulo," ayon sa pinuno ng Migrante.
Idinagdag ni Martinez na hindi rin naging maganda ang paghawak ni Baldoz sa kaso ng Sentosa agency na nagpapadala ng mga Pinoy nurse sa US noong pinamumunuan nito ang POEA.
“Mas magiging malaking challenge kay Presidente Aquino kung magagawa niyang review-hin ang appointment ng mga opisyal niya," ayon kay Martinez na nanawagan sa bagong pangulo na pag-aralan din ang mga bansa na itinuturing “high risk" para sa mga OFW at walang umiiral na bilateral agreement.
Sa kanyang inaugural speech sa Quirino Grandstand sa Manila, sinabi ni Aquino na puputulin niya ang red tape at palalakasin ang ekonomiya para makalikha ng maraming trabaho upang hindi na mangibang-bayan ang mga Filipino.
“We will level the playing field for investors and make government an enabler, not a hindrance, to business. Sa ganitong paraan lamang natin mapupunan ang kakulangan ng trabaho para sa ating mga mamamayan," ayon kay Aquino.
"Layunin nating paramihin ang trabaho dito sa ating bansa upang hindi na kailanganin ang mangibang-bansa para makahanap ng trabaho. Ngunit habang ito ay hindi pa natin naaabot, inaatasan ko ang mga kawani ng DFA, POEA, OWWA at iba pang mga kinauukulang ahensiya na mas lalo pang paigtingin ang pagtugon sa mga hinaing at pangangailangan ng ating mga overseas Filipino workers," idinagdag niya. -
Subscribe to http://alevarsblog.blogspot.com by EmailPinoy Biztalk and Job become a fan of facebook and twitter
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
LinkWithin
Labels
- BSN & DIETETICS (2)
- business ideas (9)
- canada (28)
- FAMILY (6)
- Foreclosed Properties (6)
- job (27)
- LABOR UNION (33)
- Men (1)
- Politics (25)
- Skills and Training (2)
- Sports (3)
- Women (3)
No comments:
Post a Comment
Subscribe to Biztalk and Jobs via Email
Become a fan Biztalk and Jobs in Facebook
Follow me on Twitter