JEDDAH, Saudi Arabia – Inihayag ng isang opisyal sa konsulado ng Pilipinas na 326 overseas Filipino workers (OFWs) na boluntaryong magpapadeport ang nagbago ng isip at nagdesisyon manatili na lamang sa bansang ito.
Ayon Consul General Ezzedin Tago, hanggang nitong Miyerkules ay 237 Filipino pa ang nananatili sa OFW safe house sa Hajj seaport terminal sa Jeddah na naghihintay na maisakay ng eroplano pauwi sa Pilipinas.
Sinabi ng opisyal na umabot sa 1,125 Filipino ang nagpalista sa konsulado na nagnanais maipadeport sa Pilipinas. Sa naturang bilang, 713 ang nadala sa deportation center, at 562 sa mga ito ang napauwi na sa bansa.
Hinala ni Tago, nagbago ng isip ang mga OFW na hindi na nagpakita sa deportation center at ninais na manatili na lamang sa KSA para magtrabaho.
Idinagdag ng consul general na kabilang sa mga Filipino na naghihintay na maipadeport sa Pilipinas ay kinabibilangan ng 61 babae at 25 bata.
Napag-alaman din sa isang opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration sa Jeddah, na marami sa mga OFW na papauwiin ng Pilipinas ay dinala na sa deportation center, pero muling ibinalik sa Hajj Seaport Terminal dahil napuno na ang center.
Kadalasang nananatili ng ilang araw ang mga OFW sa deportation center na sinusundo mula sa Hajj terminal bago sila tuluyang makasakay ng eroplano pabalik sa Pilipinas.
Muling hinikayat ni Tago ang mga OFW sa KSA na lumapit sa Philippine Overseas Labor Office kung may problemang silang kinakaharap sa kanilang mga pinapasukan.
Pinasalamanatan din ng opisyal ang pamahalaan ng KSA dahil pinayagan silang ipagamit ang Hajj seaport terminal na nagsisilbing kanlungan ng mga papauwiing OFWs. - Ronaldo Z. Concha, GMANews
Subscribe to Biztalk and Jobs via Email
Become a fan Biztalk and Jobs in Facebook
Follow me on Twitter
Blog Links:
Health and Wellness
The Leader
ACTRESS @ CELEBRITIES PHOTOS
Young and Adult Sexual Reprouctive Health
Organic Farming
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
LinkWithin
Labels
- BSN & DIETETICS (2)
- business ideas (9)
- canada (28)
- FAMILY (6)
- Foreclosed Properties (6)
- job (27)
- LABOR UNION (33)
- Men (1)
- Politics (25)
- Skills and Training (2)
- Sports (3)
- Women (3)
No comments:
Post a Comment
Subscribe to Biztalk and Jobs via Email
Become a fan Biztalk and Jobs in Facebook
Follow me on Twitter