Aug 20, 2010

GMA-7 features Philippine heroes in 'Lupang Hinirang'

 Mamarkahan ng GMA Network ang isa na namang historic landmark sa Philippine television sa paglulunsad ng cinematic version ng pambansang awit ng Pilipinas — Lupang Hinirang — na kinatatampukan ng mga bigating Kapuso star.

Ang bagong bersyong pang-teatro ay nagsasalaysay ng Philippine history sa pamamagitan ng sunud-sunod na iningatan at mapagbigay-diwang pagsasadula ng mga pangyayari mula sa tagumpay ni Lapu-Lapu laban sa mga kawal ni Magellan sa Battle of Mactan hanggang sa mapayapang pag-aalsa ng mga Pilipino para sa demokrasya sa 1986 People Power Revolution sa EDSA.

Sa cinematic version, na nagmula sa GMA Network at SM Cinemas, sinusulong ang pagsasalaysay ng Philippine history mula sa pamantayan ng mga unang bersyon na nasa himpapawid.

Ayor kay Director Paul Ticzon, dumaan ang production team sa halos 10 buwan ng mapanuring pananaliksik at paghahanda para sa shoot ng mga vignette.

“We went through this to be part of history. This two-and-a-half -minute version is something that all Filipinos could be very proud of. It strengthens one’s nationalism when viewed,” ani Ticzon, AVP din for post production operations division ng GMA.

Nabuo ang proyekto sa pagsangguni sa National Historical Commission of the Philippines, na kumilala sa pagsisikap ng Network na bigyang diin ang nasyonalismo ng mga Pilipino.

Ang Kapuso visual adaptation ng Lupang Hinirang ay may mga vignette ng pangyayaring nagbunga ng historical impact.

Ang Kapuso stars na gumanap bilang Philippine historical icons ay sina (in alphabetical order): Aljur Abrenica, Marvin Agustin, Iza Calzado, Bodie Cruz, Dingdong Dantes, Gabby and Geoff Eigenmann, Mark Anthony Fernandez, Richard Gutierrez, Rhian Ramos, Marian Rivera, JC Tiuseco, Dennis Trillo, TJ Trinidad, Arthur Solinap, atbp.

Kasama rin sa ID sina Ogie Alcasid, Heart Evangelista, Eddie Garcia, Jaya, Zoren Legaspi, German “Kuya Germs” Moreno, Regine Velasquez, Carmina Villarroel, Jillian Ward; pati na ang News and Public Affairs’ pillars na sina Arnold Clavio, Mike Enriquez, Vicky Morales, Howie Severino, Jessica Soho at Mel Tiangco.

Kinunan gamit ang high-definition (HD) digital video technology, ang national anthem ay nakatakdang ipalabas sa big screens ng SM sa buong bansa.

Bahagi rin ito ng sign-on at sign-off ng GMA.

“With our partnership with GMA, we will be able to show the anthem in a different way. Before, we just had audio, now, we have a full production with GMA,” ani assistant vice president for SM Cinemas Allan Florendo.

Ang film at television director na si Mark Reyes ang bumuo ng konsepto.

Panoorin ang Philippine TV premiere Kapuso cinematic version ng national anthem sa Linggo, August 22, sa Party Pilipinas.http://mirrorwildthoughts.blogspot.com/2010/08/gma-7-features-philippine-heroes-in.html

Subscribe to Biztalk and Jobs via Email
Become a fan Biztalk and Jobs in Facebook
Follow me on Twitter
Blog Links:
Health and Wellness
The Leader
ACTRESS @ CELEBRITIES PHOTOS
Young and Adult Sexual Reprouctive Health
Organic Farming

No comments:

Post a Comment

Subscribe to Biztalk and Jobs via Email

Become a fan Biztalk and Jobs in Facebook

Follow me on Twitter

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger... http://www.sharethis.com/get-sharing-tools/ https://www.philippinepcsolotto.com/lotto-results/lotto-result-december-20-2019-6-58-and-6-45